Posts Tagged ‘ako si mano’

minsan binubulag tayo ng pangarap para hindi makita ang nararapat.

Pangarap

Posted: Mayo 15, 2012 in Kuwentuhan
Mga kataga, , , , ,

Paekis-ekis na akong maglakad pauwi mula sa kabilang kalye malapit sa inuupahang bahay.

 

Biglang nagkayayaan kasi ang barkada ko noong hayskul.

 

Sampung Grande. Dalawang order ng crispy sisig. Isang kuwentuhan at kamustahan (sagot ko siyempre ang kuwentuhan).

 

Ngayon na lang ulit ako nakainom ng ganito. Masayang-masaya ako.

 

Base sa kamustahan namin.May kanya-kanya na kaming karera. Ang isa ay arkitekto na sa Singapore. Ang isa ay patuloy sa kanyang pagkanta at nakatayo na ng sariling grupo. Ang isa nama’y manager na sa isang kilalang restaurant. Ako, guro sa aming alma mater noong hayskul.

 

Nagulat sila nang mauwi ako sa pagtuturo. Hindi nila inaasahan ang pagiging guro ko.Hindi daw kasi ako seryoso noon sa anuman lalo sa pag-aaral. Komedyante. Mahilig magpatawa. At ang binabasa ko lang noon ay Funny Komiks at Bata Batuta Komiks.

 

Nasa tapat na ako ng gate namin nang maalala ko bigla ang sagot ko sa tanong na ano-ang-gusto-ko-maging-paglaki-ko noong nasa unang taon pa ako ng hayskul.

 

Ang aking sagot – maging masaya. Kakaiba daw. Napangiti ang guro ko noon.

 

Napapangiti naman ako ngayon.

Dumating ang hindi inaasahang panauhin
may dala siyang mga pasalubong
binalutan ito ng alanganing ngiti at ngisi
(siguro dahil sa malapad niyang pisngi)
bukas-palad na inabot at inalok
malugod na pinapasok sa pintuan
pinaupo sa makulay na upuan.

Nagmasid ang bisita sa paligid
siniyasat: pader, dingding, sahig,
bintana, pintuan, mga kanto, muwebles
ang alanganing ngisi at ngiti
naging makahulugang guhit sa labi.

Pinagapang ang palad sa mga silya’t upuan
marahan ngunit may gigil at nginig
nagnanais, nagnanasa, nangangahas
may kislap sa mata
tila makintab na kuko na handang manila.

Ngunit,
Handa lagi ang maybahay
nakahawak sa gulok
na nakasabit sa kanyang beywang
(nakaabang sa kilos ng bisita

kuno).

—————————————

JUNK VFA!

Insomiya 2.1

Posted: Abril 9, 2012 in Nagmamakata
Mga kataga, , , , ,

Nakipagtagpo na naman
ang sarili
sa katahimikan
at gabi
kasama ang may sinding
sigarilyo.

Nakikipaglaro
ang isipan
sa mga usok na nakikipaghabulan
sa alaala-
mabilis, kay bilis.

Masakit ang pag-iwan
ngunit mas mahapdi
ang paglipas.

——————————————————————

Mga naunang insomia poems :

Insomiya  /  Insomiya no.2

Be one of us

Posted: Abril 8, 2012 in Galaw-galaw
Mga kataga, , , , ,

Make a stand.

We are students from De La Salle-College of St. Benilde. For our NSTP class, we were required to go to Hacienda Luisita and live with the farmers overnight for an immersion.

Little did we know that it would change our perception on things, and open our eyes to the reality of the farmers.

For decades, they’ve fought peacefully and amicably for their land which is rightfully theirs. But what have they gotten in return? A false picture of themselves painted by the media, as rebels and uncivilized people.

What we witnessed during our immersion couldn’t have been any more different from the footages and stories we would see and hear. They were hospitable. They were kind. They were accommodating. They were loving fathers who would get up at 4 in the morning and would walk 8km just to till the land that was promised to them, only to get less than ten pesos for every square meter they harvested.

It’s not enough that they fight their own battles. It’s time that the youth, the students, and the people who have a voice speak up and take a stand.

The youth have spoken. Now it’s your turn.

How can you help? It’s easy. Simply take a photo of yourself holding up a sign supporting the farmers and their cause. Submit it through http://www.distributehaciendaluisita.tumblr.com directly or better yet, post it in your wall, tag along your friends to add impact, tag along Hacienda Luisita Campaign too in facebook.

A gesture so simple can help a whole lot.

————————————————————————
di ako taga-la salle pero nakikiisa ako sa ganitong gawain….
at ito ang fan sign ko…

Amano / Amanos / Mano

Posted: Abril 8, 2012 in Kuwentuhan, Siste
Mga kataga, , , ,

Sa dami ng dapat gawin mayroon dapat kuwaderno.

——————————————————————-

Burara kasi ako. Ganoon kasimple. So, kadalasan kasi hindi ko alam kung saan ko pinagsusulat mga bagay na importante sa akin, oo, importante pero dahil kung saan-saan lang nalalagay kaya nawawala. Ang siste, sasakit ulo ko sa paghahanap.

Pangalawa, im not organized. Para ma-organize, kailangan ko nang kuwaderno na magtatala ng kasaysayan ng mga pinaggagawa ko sa life kong ito. Balang-araw alam ko pagmumunihan ko na ang mga bagay na nadanas at dadanasin ko pa.

Pangatlo, Life begins at 30. Matatatapos na ang pasikot-sikot na pagtataya at pagsisiyasat sa mga ano-paano-bakit mode sa buhay ko. Simpleng pagtatasa sa sariling mundo na ginawa. Simpleng pagtatasa sa mga simpleng danas. Simpleng pagtatasa sa mga punto, ideya at paghawak sa talinghagang kamatayan lang ang maaaring makatsantsing dito.

At lastly, ako kasi si Mano. Buhay at still kicking. Sugatan lang ako pero hindi pa deds.

Rakenrol.

Ito ang aking kuwaderno. At handa ko itong buksan para sa inyo.

——————————————————

Paalala: Kung may mga bagay na makakaapekto sa inyo. Ikonsulta ninyo na lang kay Sir/Madam Konsensiya (mas magaling iyon mag-advise).

——————————————————————–

Pagtumatanda dapat bang magseryoso? 😛